E•MO•TION ni Carly Rae Jepsen Noon at Ngayon: Kung Paanong Hindi Ko Kayang Hindi Maiyak Kapag Pinapakinggan Ito

July 2015–November 2017.

Another failed feelz i’m trying to bury. Matutulog na sana ako nang naalala ko na [spoiler alert!] iniwanan si Blue ng tatay niya nung mapagtagpi-tagpi niya na involved si Hannah Schneider sa Nightwatchmen. Parang nakaramdam ako bigla ng betrayal—6th degree of betrayal?! Bakit ngayon ko lang ito naramdaman e dalawang buwan na ang nakalilipas matapos ko basahin yung libro1?

Bigla ko na lang gusto masaktan. Papanoorin ko na lang sana ang Moonlight (2017) nang mapadaan ako sa On This Day ng Facebook at makita ang screenshot ng isa sa napakaraming Skype session with my two former best friends.At nasaktan nga ako. Napadaan din sa Twitter at nakakita ng Carly Rae Jepsen related tweet, at wala nang iba pang mas makasasakit sa akin ngayon kung hindi ang E•MO•TION album niya. Parating isang panahon at isang tao lang ang pumapasok sa isip ko kapag iyan na ang tumutugtog. Bakit dati ang saya-saya ko tuwing pinapakinggan ang E•MO•TION pero ngayon nasasaktan na ako? WUW

Hindi ko alam paano nagsimula itong kahibangan na ito—loljk.3

Paki-note lang din na ito ang huling beses na nahibang ako. Slowly ay tinatapos ang PhD rito at handang-handa na sa susunod na biktima. Chos! Ang dami kong naisulat tungkol sa kaniya. Hindi siya deserving, mum!

Run Away With Me

BABY // TAKE ME // TO THE // FEELING

I’ll be your sinner in secret

Give Me Love (medyo self-explanatory naman siguro yung title, no?)

All That

Just let me in your arms

Ganun ka-simple.

Your Type

And I’d break all the rules for you
Break my heart and start again

Eto talaga ‘yun e. 9000% willing ako to break all the rules. 2015. Fresh grad. Sabi ko “I’m willing to make this mistake,” e kaso di naman siya interesado ¯\_(ツ)_/¯4

Warm Blood

Let down my guard tonight
I just don’t care anymore
I’ve told a hundred lies
But I don’t wanna tell you any at all

When I Needed You

I don’t know what you wanted
I tried to be so perfect
I thought that it was worth it
To let myself just disappear //

Sometimes I wish that I could change
But not for me, for you
So we could be together forever

Kapag minsang bumabalik ako sa katinuan, iyan ang theme song. Haha, char?!

Black Heart

Hindi ko segurado kung sino ang may Black Heart sa amin at it doesn’t matter. AY?! Deh, gusto ko lang talaga ang beat nito. Pahinga from all this kahibangan.

I Didn’t Just Come Here To Dance

Now, if all the boys would just realize this. Char ulit. 😉

Favourite Colour

Hold on now
This is getting kinda serious
This is getting kinda out of control
Out of control
Slow down now

Isa lang nakuha ko sa ka-ulolan na ito: hindi totoo ang mga pelikula!

Naku, kung nababasa lang ito ni P ngayon sinasabi na nun na “suwerte niya at hindi naging kayo.”

😦

P.S. If ever a certain some1 is reading this, huwag kang mag-bill-out! Hehe 😀


1Special Topics in Calamity Physics ni Marisha Pessl.
2na noong mga panahon rin na ‘yun ay hindi ko inaamin na best friend ko sila bc I fucking hate labels! Alam nila ‘yan.
3 Sobrang petty ng dahilan bakit ko siya gusto. Ayoko na i-share. Eto ha, huwag mo akong pagtawanan pero classic example ito ng naluto sa sarili niyang mantika. 2015, fresh grad ako. Tapos na yung taning ko sa sarili na hindi puwedeng mag-boypren, puwedeng-puwede na. Hindi lang bintana ang nakabukas pati na rin ang pinto! Pero walang dumaraan so I made this little game with myself. Mala-Science of Deduction ni Sherlock. Dalawa lang naman yung criteria ko: 1. acquaintance; at 2. malapit lang ang bahay sa akin. HAHA Diyan talaga siya nanalo e 😦 Please note rin na wala pa akong trabaho nito kaya sobrang mema lang nang mga pinaggagawa at pinag-iisip ko pero hindi na ako nakakawala. Nahulog na akong tuluyan sa laro ko. Sad face ulit.
4Kayang-kaya ako saktan ng kanta na ‘to anong oras o araw o nasaan man ako. Use this information wisely.

Advertisements

Isa pang bagay

Parating ganun ang kuwento: mga nasa laylayan na higit pa ang kakayahan pero nalilimitahan dahil sa kakulangan sa resources o kailangang magtrabaho nang doble o higit pa para makarananas nang dapat nilang tinatamasa kung hindi unfair ang mundo(?). Habang ang kanilang kontemporaneo ay ipinanganak sa pribelehiyo. Sa mga pinalad sa birth lottery at nasa hanay ng gitnang uri o mas nakatataas pa, nakahain na sa kanila ang oportunidad na hindi naman nila personal na pinili at kadalasan ay kabaligtaran ng kanilang interes talaga. Kapalit ng prebilehiyo at oportunidad na ito ay inaasahan sila nang mga mas naunang ipanganak1 sa siste (:P) na ito na mag-perform nang mahusay, tupdin ang inaasahan sa kanila. Dahil sa pressure ng expectation sa kanila dito na nagsisimula ang paglalaro, mga desisyon at gawain na hindi tama pero hindi rin mali kung titingnan ang grand scheme of mga bagay-bagay. Technically hindi mali kasi sinasagot lang nila ang expectation sa kanila sa paraang alam nila. Dito lumalabas ang kanilang likas na pagiging cunning2. Kinakasangkapan ang nasa laylayan na nangangailangan para punan ang abilidad na wala sa kanila—na sa mga kuwentong ganito ay kadalasang ang mga nasa laylayan ang nagtatangi. Ang mga nasa baba na kinulang sa makinarya ay papasok sa isang kasunduan sa mga nasa gitna na pangako ang win-win na sitwasyon para sa dalawang panig. Kung minsan kailangang magbigay ng extra effort3 (below the belt measures) ng nasa gitna kapag masyadong bukal ang nasa ibaba. Ipapasok sa isang sitwasyon na maiipit at sa kalaunan ay lalapit din at papayag sa kagustuhan ng gitna.

May mga nakalalabas sa ganitong kalakaran at mayroong mga lubusang kinakain na. Ang akala nilang isang beses lang na gawain ay sila na mismo ang magpapatuloy. Iyong mga nakakita kung gaano karumi ang sistema at hindi na nakawala rito. Sila na kahit gaano pa magkandakumahog sa pagtatrabaho nang matapat ay mapagtatanto na hindi rin sila aangat. Ang dating nasa baba ay siya na ngayong nasa gitna, ang dating sumusunod sa plano ay siya na ngayong mag-oorkestra. Nabulag sa laro, nalason ng sistema.

Bad Genius (2017)

At ang paborito nating laro kapag nanonood, Kung Ako ang Writer at/o Direktor gusto ko sanang tinanggap ni Lynn ang alok ni Banks na mag-cheat ulit sa darating na national exam. Mas madaling asahang may part 2 ang pelikula, cliche na nga lang ang magiging posibleng takbo kompara sa kung ang totoong ending ng pelikula ang talagang gagawan ng part 2.

Sa estilo ng pelikula, mayroon akong dalawang shot na gusto at pagnilayan pero hindi ako masyado pamilyar sa mga ganito kaya hindi na lang ako pupunta rito. 😦 Balik na lang ako.

Time na, extend ka pa?


1 Naalala ko lang itong tula ni Philip Larkin, This Be The Verse
2 sariling opinyon
3 Binabantaan, pinapabugbog, atbp.

23.

nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. pero walang kakayahang wakasan ito. mabubuhay at maghahangad ng kapayapan nito.

Lungsod Gapan, Oktubre 2016

Mr. Robot

“eps1.9zer0-daY.avi”, Mr. Robot

Palaging balisa sa huling araw.

Hindi marunong gumamit ng bantas.

r1

“eps1.3da3m0ns.mp4”, Mr. Robot

Hindi na bagay sa Maynila.

img_6806

c. 2012.

Nangangamba sa hindi tiyak.

Wala sa hinagap.

(Sari-saring retrato na nakakalat sa aking desktop. Gusto ko lang mag-update, mag-post ba kahit wala namang kuwenta.)