E•MO•TION ni Carly Rae Jepsen Noon at Ngayon: Kung Paanong Hindi Ko Kayang Hindi Maiyak Kapag Pinapakinggan Ito

July 2015–November 2017.

Another failed feelz i’m trying to bury. Matutulog na sana ako nang naalala ko na [spoiler alert!] iniwanan si Blue ng tatay niya nung mapagtagpi-tagpi niya na involved si Hannah Schneider sa Nightwatchmen. Parang nakaramdam ako bigla ng betrayal—6th degree of betrayal?! Bakit ngayon ko lang ito naramdaman e dalawang buwan na ang nakalilipas matapos ko basahin yung libro1?

Bigla ko na lang gusto masaktan. Papanoorin ko na lang sana ang Moonlight (2017) nang mapadaan ako sa On This Day ng Facebook at makita ang screenshot ng isa sa napakaraming Skype session with my two former best friends.At nasaktan nga ako. Napadaan din sa Twitter at nakakita ng Carly Rae Jepsen related tweet, at wala nang iba pang mas makasasakit sa akin ngayon kung hindi ang E•MO•TION album niya. Parating isang panahon at isang tao lang ang pumapasok sa isip ko kapag iyan na ang tumutugtog. Bakit dati ang saya-saya ko tuwing pinapakinggan ang E•MO•TION pero ngayon nasasaktan na ako? WUW

Hindi ko alam paano nagsimula itong kahibangan na ito—loljk.3

Paki-note lang din na ito ang huling beses na nahibang ako. Slowly ay tinatapos ang PhD rito at handang-handa na sa susunod na biktima. Chos! Ang dami kong naisulat tungkol sa kaniya. Hindi siya deserving, mum!

Run Away With Me

BABY // TAKE ME // TO THE // FEELING

I’ll be your sinner in secret

Give Me Love (medyo self-explanatory naman siguro yung title, no?)

All That

Just let me in your arms

Ganun ka-simple.

Your Type

And I’d break all the rules for you
Break my heart and start again

Eto talaga ‘yun e. 9000% willing ako to break all the rules. 2015. Fresh grad. Sabi ko “I’m willing to make this mistake,” e kaso di naman siya interesado ¯\_(ツ)_/¯4

Warm Blood

Let down my guard tonight
I just don’t care anymore
I’ve told a hundred lies
But I don’t wanna tell you any at all

When I Needed You

I don’t know what you wanted
I tried to be so perfect
I thought that it was worth it
To let myself just disappear //

Sometimes I wish that I could change
But not for me, for you
So we could be together forever

Kapag minsang bumabalik ako sa katinuan, iyan ang theme song. Haha, char?!

Black Heart

Hindi ko segurado kung sino ang may Black Heart sa amin at it doesn’t matter. AY?! Deh, gusto ko lang talaga ang beat nito. Pahinga from all this kahibangan.

I Didn’t Just Come Here To Dance

Now, if all the boys would just realize this. Char ulit. 😉

Favourite Colour

Hold on now
This is getting kinda serious
This is getting kinda out of control
Out of control
Slow down now

Isa lang nakuha ko sa ka-ulolan na ito: hindi totoo ang mga pelikula!

Naku, kung nababasa lang ito ni P ngayon sinasabi na nun na “suwerte niya at hindi naging kayo.”

😦

P.S. If ever a certain some1 is reading this, huwag kang mag-bill-out! Hehe 😀


1Special Topics in Calamity Physics ni Marisha Pessl.
2na noong mga panahon rin na ‘yun ay hindi ko inaamin na best friend ko sila bc I fucking hate labels! Alam nila ‘yan.
3 Sobrang petty ng dahilan bakit ko siya gusto. Ayoko na i-share. Eto ha, huwag mo akong pagtawanan pero classic example ito ng naluto sa sarili niyang mantika. 2015, fresh grad ako. Tapos na yung taning ko sa sarili na hindi puwedeng mag-boypren, puwedeng-puwede na. Hindi lang bintana ang nakabukas pati na rin ang pinto! Pero walang dumaraan so I made this little game with myself. Mala-Science of Deduction ni Sherlock. Dalawa lang naman yung criteria ko: 1. acquaintance; at 2. malapit lang ang bahay sa akin. HAHA Diyan talaga siya nanalo e 😦 Please note rin na wala pa akong trabaho nito kaya sobrang mema lang nang mga pinaggagawa at pinag-iisip ko pero hindi na ako nakakawala. Nahulog na akong tuluyan sa laro ko. Sad face ulit.
4Kayang-kaya ako saktan ng kanta na ‘to anong oras o araw o nasaan man ako. Use this information wisely.

Advertisements

Isa pang bagay

Parating ganun ang kuwento: mga nasa laylayan na higit pa ang kakayahan pero nalilimitahan dahil sa kakulangan sa resources o kailangang magtrabaho nang doble o higit pa para makarananas nang dapat nilang tinatamasa kung hindi unfair ang mundo(?). Habang ang kanilang kontemporaneo ay ipinanganak sa pribelehiyo. Sa mga pinalad sa birth lottery at nasa hanay ng gitnang uri o mas nakatataas pa, nakahain na sa kanila ang oportunidad na hindi naman nila personal na pinili at kadalasan ay kabaligtaran ng kanilang interes talaga. Kapalit ng prebilehiyo at oportunidad na ito ay inaasahan sila nang mga mas naunang ipanganak1 sa siste (:P) na ito na mag-perform nang mahusay, tupdin ang inaasahan sa kanila. Dahil sa pressure ng expectation sa kanila dito na nagsisimula ang paglalaro, mga desisyon at gawain na hindi tama pero hindi rin mali kung titingnan ang grand scheme of mga bagay-bagay. Technically hindi mali kasi sinasagot lang nila ang expectation sa kanila sa paraang alam nila. Dito lumalabas ang kanilang likas na pagiging cunning2. Kinakasangkapan ang nasa laylayan na nangangailangan para punan ang abilidad na wala sa kanila—na sa mga kuwentong ganito ay kadalasang ang mga nasa laylayan ang nagtatangi. Ang mga nasa baba na kinulang sa makinarya ay papasok sa isang kasunduan sa mga nasa gitna na pangako ang win-win na sitwasyon para sa dalawang panig. Kung minsan kailangang magbigay ng extra effort3 (below the belt measures) ng nasa gitna kapag masyadong bukal ang nasa ibaba. Ipapasok sa isang sitwasyon na maiipit at sa kalaunan ay lalapit din at papayag sa kagustuhan ng gitna.

May mga nakalalabas sa ganitong kalakaran at mayroong mga lubusang kinakain na. Ang akala nilang isang beses lang na gawain ay sila na mismo ang magpapatuloy. Iyong mga nakakita kung gaano karumi ang sistema at hindi na nakawala rito. Sila na kahit gaano pa magkandakumahog sa pagtatrabaho nang matapat ay mapagtatanto na hindi rin sila aangat. Ang dating nasa baba ay siya na ngayong nasa gitna, ang dating sumusunod sa plano ay siya na ngayong mag-oorkestra. Nabulag sa laro, nalason ng sistema.

Bad Genius (2017)

At ang paborito nating laro kapag nanonood, Kung Ako ang Writer at/o Direktor gusto ko sanang tinanggap ni Lynn ang alok ni Banks na mag-cheat ulit sa darating na national exam. Mas madaling asahang may part 2 ang pelikula, cliche na nga lang ang magiging posibleng takbo kompara sa kung ang totoong ending ng pelikula ang talagang gagawan ng part 2.

Sa estilo ng pelikula, mayroon akong dalawang shot na gusto at pagnilayan pero hindi ako masyado pamilyar sa mga ganito kaya hindi na lang ako pupunta rito. 😦 Balik na lang ako.

Time na, extend ka pa?


1 Naalala ko lang itong tula ni Philip Larkin, This Be The Verse
2 sariling opinyon
3 Binabantaan, pinapabugbog, atbp.

Walang Konteksto

Attempt sa pagbabawas ng bagahe #973
 
Minsang nahibang at naisipang gumawa ng mix bilang regalo sa kaarawan ng kaibigan na lihim na hinahangaan. Mabigat daw ang konotasyon ng paggawa ng mix para sa isang tao. Inside joke na naging totoo na lang ang pamagat ng mix. Walang konteksto dahil hindi ko na maalala ang relasyon ng bawat kanta, walang konteksto dahil hindi ko naman daw “alam”, ang alin ba kasi? Ayaw mo naman sabihin. At higit sa lahat, wala nang konteksto. Congrats, self. Grumadweyt na naman, pang-siyam na beses na ata.

 

Run – Vampire Weekend

Where a little bit of condensation means so much
And a little bit of change is all your little fingers touch

Stay – Demo Taped

Won’t you stay a little while?
Stay a little while

Patintero / Habulan / Larong Kalye – Ang Bandang Shirley

tao po
yayayain sana
kitang maglaro
kahit sandali lang
kung gusto mo
pwede tayong mag-piko
pamato mo ang aking puso
at wag mong aapakan to

Cake – Toro y Moi

What’s the point of calling
When all I get is nothing

Move to L.A. – Art Brut

noong sabado at nagdaan pang mga sabado

kung kailan aalis na ako tsaka na naman ako tinopak. ayoko na sana tumuloy dahil hindi na okay ang pakiramdam ko at ayokong pilitin ang sarili pero napangunahan pa rin ako ng konsensiya. kesyo nandun na yung kikitain, may isang oras na ring naghihintay, isipin mo kung ikaw nasa lugar niya, blah, blah, etc.

kung tama ang pagkakatanda ko, meron nang isang buwan na malupit ang pagtalon-talon ng emosyon ko. nakakabaliw pala yun. usual self mo sa araw-araw tapos biglang parang may switch na nasagi, kompleto ang pag-ikot ng mood mo sa kabaligtaran ng “usual”.  biglang nakakapagod kahit wala ka namang ginagawa. biglang ayaw mo na lang. merong mga araw na tulog lang ang ginawa ko sa buong araw. lalabas sa hapon para kumain ng unang pagkain sa araw na yun pagkatapos ay babalik ulit sa kuwarto para matulog na naman muli. merong mga araw na hindi kakain, pipiliting kumain at hindi mauubos. alam ko hindi ako ito, yun yung mahirap. alam kong hindi ako ito. may mga nag-aalala at lalong alam kong hindi rin ito ang pagkakakilala nila sa akin. may nagtatanong kung anong nangyayari pero gaano ko man gusto sabihin, hindi ko siya mailabas nang maayos. gusto ko malaman bakit na lang biglang naging ganito, but then again, takot ako sa multo.

tsaa lang ba ito?

kailangan ko nang isulat ito.

23.

nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. nakakabaliw mabuhay. pero walang kakayahang wakasan ito. mabubuhay at maghahangad ng kapayapan nito.

Lungsod Gapan, Oktubre 2016

Mr. Robot

“eps1.9zer0-daY.avi”, Mr. Robot

Palaging balisa sa huling araw.

Hindi marunong gumamit ng bantas.

r1

“eps1.3da3m0ns.mp4”, Mr. Robot

Hindi na bagay sa Maynila.

img_6806

c. 2012.

Nangangamba sa hindi tiyak.

Wala sa hinagap.

(Sari-saring retrato na nakakalat sa aking desktop. Gusto ko lang mag-update, mag-post ba kahit wala namang kuwenta.)

Don’t Give Up On Us: Bakit Hindi Pwedeng Magsama Ang Dalawang Taong Walang Pangarap Sa Buhay

I’m a generally positive person who expects the worst in people. O depende sa mood ko. I’m done with expectations. O ewan, ENTP ako, pasensya. “Hindi pwedeng magsama ang dalawang tao na walang pangarap sa buhay, pero masarap sila kasama“, sabi ko kay P minsan. From this moment on, para na akong lasing o kaya nagsasalita habang tulog. Hindi ko alam paano ko pagkakabitkabitin ang mga thoughts ko, pero dahil Z016 ngayon ay let me try (hindi gumagana ang number two key ng laptop ko).

dontgiveuponusposter

Don’t Give Up On Us (Z006) Photo from: Wikipedia

If you’re pretty much aware of my shit lately, you know how bad my hungover is from my last trip. The main reason why I decided to watch this movie is because it is set in Baguio, Z. I want to be more familiar with Pinoy Pop Culture.

Baguio, where. do. i. begin? Let’s begin by leaving Baguio. My feels towards B is a whole ‘nother story that deserve its own post–heck, even its own blog dedicated entirely on my love for it. But we will never know if that post will ever see the dawn. Stay tuned.

Ehem, back on Don’t Give Up On Us, unahan ko na ng disclaimer: THIS IS NOT A MOVIE REVIEW. These are my thoughts, UNSOLICITED opinion about Vince, Abby, their “relationship” and how I relate to it. Of course, this is my blog, this should be about me. Ay, kwa!

From the moment 1. Vince told Abby about her “ideal girl/woman” while on their way to Sagada, o diba, of all places, nag-flash back yung sinabi ko kay P naHindi pwedeng magsama ang dalawang tao na walang pangarap sa buhay, pero masarap sila kasama“, sometimes I see myself as someone who have no pangarap sa buhay (tagalog for emphasis :P) sometimes lang naman, not most of the time. My goals dreams in life are pretty petty, pretty mababaw I guess compared to my contemporaries, naks. I take pride naman in my dreams, it’s not materialistic. I used to borrow this one dream from a character in a TV series, “to have a family, be a good wife to my husband and a loving mother to my son”. I remember putting it on my bio for a group project in one of my subject back freshman year college. I just want to be happy in life–don’t we all? Wala, ganun ata ‘pag tumatanda, intangible na ang wish. I don’t need an overflowing cash, just the right amount to buy my needs and a few wants, etc., etc., nasingit ko lang ‘yan to say that if ever God gives me the one, he can’t be like me (ay, choosy) walang mangyayari sa amin. Gusto ko ng simpleng buhay pero hindi naman yung totally walang plano. Huy, Vince! Though I want a simple happy life, I still need a little bit push to do something beyond the ordinary, beyond the expected. Just a little push. So, if I stay in this state of mind in the years to come, I’ll be the leaper in my relationship–when that relationship comes. (Hilig ko talaga pangunahan ang mga bagay-bagay). Z. Hala si Vince, bakit ganun na makahawak sa kamay ni Abby? 3. Drunk Abby telling Vince that he’s her beautiful mistake. Thank you, Vince for not taking advantage of Abby when she was drunk. Thank you! That was a relief, really. (Apparently, key number four doesn’t work either). Sad girl in need of console + guy who likes said sad girl will always eventually lead to sex. Umay! This is one generic formula in every movie/TV that I don’t like, except when Barney Stinson does it, because I expect Barney to take advantage of any situation that will end him up getting laid. Key word: expect! 5. When Vince visited Abby in her office and they had lunch: gahd, seriously, Vince? Just a weekend spent with Abby and you already, in your words said to her, “Mahal na mahal kita“. Ang bilis mo naman, Manong! Wala, I can’t understand that kind of logic e, although I’ve seen and liked it in The Proposal, pero grabe naman kasi yung mahal na mahal, pwede bang I like you na lang? Start from there then after spending some time with each other tsaka love? Hehe 6. When they launched Vince’s singing career. Seryoso, topless pic to promote an album?! Singer po ito ha, hindi macho dancer o whatsoever. Sobrang dated lang nung part na yun. Double umay. Parang cowboy na ewan. Hay, sex sells.

That’s it–basically, without my other petty side notes.